RSS

PAALAALA: Huwag Po Tayong Maging Tanga

15 Apr

May mga bagay sa buhay natin na akala natin ‘yun na, hindi pa pala.

Sampol:
Nakilala mo ang isang magandang lalaki na mabait na, gentleman pa. Usap-usap, inom-inom, tawa-tawa. May similarities. May nangyari. Kinabukasan, wala na pala siya.

Pinagsanib ng halik, pinaghiwalay ng halik. At habang hinihintay mo siyang, bumalik, matagal na pala siyang nagpaalam. Hindi niya lang sinabing ‘Goodbye.’

May magagawa ka pa? Siguro, pwede mong ipagsaksakan ang sarili mo pero nasaan ang respeto? Hindi naman nila problema kung nasaktan ka. Unang-una, hindi ka naman pinilit; hindi ka nagpakipot.

PAALALA: Sa susunod, huwag uumpisahan ang isang bagay na hindi mo naman kayang tapusin. At huwag mo ring ipagpilitan ang isang bagay na tinapos na ng iba para sa iyo. Oks?

Sana ay kayang ibsan ng simpleng dasal ang lahat ng pagkakamali at pagkabagabag; ang pakalungkot at pag-iisa. Pero minsa, matagal-tagal din bago mawala.

Ang tangi mo lang naman na pwedeng gawin ay magmukmok at umiyak hanggang sa tuluyan kang makalimot. Pero subukan mo pa rin. Hinga lang nang malalim. Magdasal at humingi ng tawad.

Tao lang naman tayo. Minsan, o madalas, ay nagkakamali. kaya nga ginawa siguro ng Diyos ang ‘bukas’ dahil iba ang dating ng ‘brand new day.’ Parang lahat bago. Ang ibig sabihin ay may pagkakataon pa para itama ang lahat.

Ano ba nangyayari sa katawan habang natutulog. Ayon sa siyensiya, nagpapagaling ang mga cells sa katawan natin habang tayo ay natutulog. Umaandar pati ang metabolism kaya nga dumudumi sa umaga.

Sleeping is our body’s recovery phase.

Kinabukasan paggising, nawawala ang sakit. Pero hindi sinabing nabubura lahat ng alaala. Siguro, nagbabago lang ang pananaw natin sa mga nangyari nang nagdaang araw. Minsan, nagiging positibo. Minsan naman, negatibo.

Pero ang punto, darating ang panahon, lahat nang ito ay magiging mumunting ideya na lang. Hindi na kakainin ng mga masasakit na pangyayari ang oras mo. Kung hindi man din minsan ay madalas na mga taong nakikilala at nakilala mo ay dadaan lang para tulungan kang matuklasan ang ilang bagay-bagay tungkol sa iyong sarili. Hindi lahat sila ay magtatagal sa iyong buhay. Ang iba, isang araw lang o isang linggo. Ang iba, isang taon o isang dekada.

Pero kahit gayon man ay may maiiwan at maiiwan silang pitak sa iyong puso. Ito ang iyong tatandaan nang sa susunod na may dumaan, nag-hi, o kahit nag-I love you, mas magiging handa ka sa maaari nitong kalabasan.

Utang na loob. Huwag mong ibigay ang lahat-lahat. Paunti-unti lang muna. Umalis man sila, hindi ka masyadong nawalan. In short, huwag kang tanga, lalo na kung ang tanda-tanda mo na.

PS: Ang anekdotang ito ay hango sa mga tunay na pangyayari. Hello!? đŸ˜€

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on April 15, 2015 in Uncategorized

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: